Philippine-Japan Festival: Ang selebrasyon ng Kasaysayan, Pamanang Kultura at Pagkakaibigan

Philippine-Japan Festival: Ang selebrasyon ng Kasaysayan, Pamanang Kultura at Pagkakaibigan
By Jerushah Hale Cortez
Champion – Essay Writing Contest
Philippine – Japan Festival 2015

Ngayong taong 2015 ay isang bagong pinto ang siyang magbubuklas, at isang bagong ilaw ang siyang maghahatid ng liwanang, sapagkat ito ang selebrasyon ng Kasaysayan, Pamanang Kultura, Pagkakaibigan at Apgkakakaisa ng mg Pilipino at ng mga Hapones. Ngunit, paano nga ba nagsimula ang relasyon ng dalawa? Bakit nga ba taon-taon ang selebrasyong ito? At gaano nga ba ito ka-importante na ating isapuso’t diwa?
Kapag sinabing kasaysayan, ito ay ang mga pangyayaring nangyari na noong unang panahon. Nagsimula ang relasyon ng mga Pilipino at ng mga Hapones hindi sa isang “ hi” o “ hello”, kundi dahil sa Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, kung saan, sinakop ng mga Hapones ang bansang Pilipinas. Pilit mang lumaban ng mga Pilipino, ngunit sila’y natalo. At pinahirapan rin ng husto at trinatong parang hindi tao. Kaya, galit ang siyangnamumuo sa puso ng mga Pilipino. Ngunit sa paglipas ng pananhon, ito’y unti-unti nang naayos. Bagamat gusot itong nagsimula noon, ito’y unti-unti nang napaplantsa ngayon.
Sa pamamagitan ng Pamamahagi ng Pamanang Kultura. Ano nga ba ito? Ito ay ang tradisyon, kultura, kaugalian, paniniwala at mga nakamit ng isang bansa na nagging bahagi na ng kasaysayan at ipinapamahagi o ipinapasa sa kasalukuyan. Kapag PAMANANG KULTURA ng mga Pilipino, masasabi mong “ Uy. Ang talino”. At kapag PAMANANG KULTURA ng mga Hapones nama’y mamamangha ka at masasabi mong “Boom! Galing! “. Sa ngayon, makikita nating bahagi na natin ang isa’t-isa. Dito sa Pilipinas, patuloy nating tinatanggap ang kultura ng mga Hapose. May mga pagkaing tulad ng sushi at takoyaki na angkop sa panlasa ng mga Pilipino. Pati ang mga “ Anime” , tulad ng seryeng Naruto ay pinapanood na rin ditto. At nakuha na rin mga Pilipino ang pagyuko ng ulo ng mga Hapones na siyang simbolo ng respeto at paggalang. Ang pagiging mapagkumbaba, maalagain, pati na rin ang pagsabi ng “Po” at “Opo”, gayun man ang pagmamano sa mga nakakatanda ay nakuha na rin mga Hapones galling sa mga Pilipino. At nabighani rin sila sa pisikal at kagandahan ng loob ng mga Pilipino, kaya naman ang iba’y nanirahan at namuhay na rin sa bansang Pilipinas.
Ang Pamamahagi ng mga Pamanang Kulturang ito ang siyang nagbubuklod sa isang Pagkakaibigan. Ito’y isang simpleng salita lamang, ngunit huwag maliitin, sapagkat ito’y isang makapangyarihang pwersa na maaring malampasan at kalimutan ang masakit na pilat ng kahapon at magsimula ng bagong kabanata.
Maihahantulad ang relasyon ng mga Pilipino ang mga Hapones sa isang bundok na napakatarik ng tuktok. Ipalagay nating nakatayo ang mga Hapones sa kanluran, habang ang mga Pilipino’y nasa kabilang Silangan. Maaring magkalayo ang loob ng isa’t-isa, iba’t iba ang tradisyon, kaugalian, paniniwala, maging ang pamanang kultura. Ngunit sa patuloy na pag-akyat sa bundok, tungo sa iisang hangarin ay sama-samang maabot ang tuktok.
Ang selebrasyong ito ay taon-taong iginugunita upang tumatag ang dalawang lubid, at hindi basta-basta na lamang mapuputol. At kinakailangan natin itong isapuso’t-diwa sapagkat ito ay nagsisilbing tulay sa pag-alala, sa patuloy na pag-akyat ng mga Pilipino at ng mga Hapones, na maging inspirasyon sa ibang lahi, na kahit kulay man ay magkaiba, wika man ay di magkapareha, iisa ang natatanging layunin at ito ay ang MAGKAISA, upang maabot ang tuktok ng bundok, at makamit ang kaisa-isang mithiin, ang KAUNLARAN at TAGUMPAY.
Sa libo-libong kapuluan, DALAWA ang pinagsama. Sa pamamagitan ng selebrasyon ng “ Philippine –Japan Festival”, ay muling mabubuo ang mas pinatatag na relasyon ng mga Pilipino at ng mga HApones. At ito ay isang hindi mapapalitan at di mababayarang biyaya. Kaya’t maraming salamat sa Diyos!

Leave a Reply