Nasaan ka?

“Mag-bestfriend talaga tayo ba kasi pare-pareho tayong mga baliw” Ilan lang sa nga linya ng mga magkakaibigan. Ano ba ang totoong ipinapahiwatig ng kaibigan? Talaga ba ang mga magkakaibigan ay laging anjan upang ikaw ay damayan? Totoo ba talaga ang magkaka-ibigan ay hindi nag-iiwanan?

Kaibigan? Kaibigan? Kaibigan? Ang kaibigan ay siyang dumadamay sayo sa oras na kinakailangan mo ng katuwang. Sila ang pumapahid ng bawat patak ng luha mo. Sila yung taong laging anjan sa likod upang resbakan ang mga taong nang-aaway sa iyo. Astig noh? Hindi natin sila kadugo o kamag-anak pero handa sila sa lahat ng bagay matulungan lang tayo.

Sa bawat relasyon na ating binubuo sa isang magkakaibigan ay may problema o pinag-aawayan na sadyang hindi maiiwasan. Katulad na lamang na hindi pagkaka-intindihan. Lahat ng problema ay may solusyon dahil hindi tayo binibigyan ng Panginoon ng problemang walang solusyon.

Ngunit, sa tuwing nag-aaway ang magkakaibigan at nagbabati iba na pakiramdam at parang awkward na. May iba din na hindi na naiibabalik sa dating samahan dahil nga sa PRIDE. Walang samahan ang naiibabalik sa dati sa mga ma-pride na tao. Kahit anong pansin mo sa kanya, kahit anong gagawin mo para mabalik lang sa dati ang inyong samahan hindi ka matatagumpay.

Kung yan lang naman ang problema, hayaan mo ito at huwag mong sayangin ang iyong oras sa taong iyan. Kung hindi man maibalik ang dati niyong pinag-samahan siguro nga utos ito ng Panginoon na hindi tayo nakalaan na magkaibigan pero kahit ganoon gumagawa parin tayo ng daan o solusyon upang matapos ang problemang ito dahil ika nga ang magkakaibigan ay parang isang libro kung walang may-akda walang laman ang libro at kung sa totoong buhay kung walang magkakaibigan, walang samahang mabubuo.

Dumating sana ang panahon na malinawagan ang mga magkakaibigan dahil ang magkakaibigan ay nagdadamayan, hindi nag-aaway. Ngayon, nasaan ka kaibigan? Bumalik ka na sa dati nung una kitang nakilala. (G)

 

~Quibod

Leave a Reply