Diwa ng Pasko

Nawa’y ang diwa ng pagbibigayan, pagmamahalan, kasiyahan at kapayapaan ang maghari sa sanlibutan ngayong araw ng kapaskuhan. Sana’y sabay-sabay po tayong lahat na salubungin ang Pasko na puno ng kasabikan at kagalakan sa puso nating mga Pilipino. Marami mang dagok sa buhay ang ating kinakaharap ngunit tayong mga Pilipino ay handang bumangon at magpakatatag pa rin upang ipagpatuloy ang laban/daloy ng buhay. Sa panahon ng kapaskuhan sana’y pagsikapan po nating ang araw na ito ay maging daan upang tayong mga Pilipino ay magkaisa, magsilbing inspirasyon sa bawat isa at sama-samang damhin ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal. Kami po ay lubos na umaasa’t nananalangin na ang tunay na diwa ng kapaskuhan ang maghari sa puso ng bawat mamamayang Pilipino.

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa ating lahat!

Galing-is

Michelle N. Galing
Departamento ng Filipino
S.Y. 2015-2016

Leave a Reply