Buwan ng Nutrisyon

11800373_10207338130841524_1625462546489245717_nIpinagdiwang ng PNJK-IS ang Buwan ng Nutrisyon na may temang “Timbang Iwasto: Sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo” noong ika-31 ng Hulyo 2015. Lahat ng guro at mga estudyante ay pinaghandaan ang aktibidad na ito.

Sa loob ng isang buwan, maraming paligsahan ang nangyari. Isa na dito ang Quiz Bowl. Nanalo sa Elementarya ang unang grupo, sumunod ang pangatlong grupo, pangalawang grupo, ika-apat at pang huli ay panglimang grupo. Sa High School naman ay nanguna ang ika-apat na grupo, sumunod ang unang grupo, sunod ang pangalawang grupo at ang panghuli ay ang pangatlong grupo. Nagkaron rin ng Zumba Bida para ipalaganap ang tamang ehersisyo sa buong eskwelahan. Dalawa ang kategorya sa Zumba Bida. Ang isa ay indibidwal at ang isa ay ang pang grupo na kategorya. Sa pang grupo naman ay nanalo ang ika-limang baitang, sumunod ang seksyon Shinri at ang ika-siyam na baitang. Noong mismong araw ng kulminasyon sa Buwan ng Nutrisyon, nagkaron ng paligsahan sa pagpapaganda ng sari-sariling silid-aralan. Sa unang baitang, nanalo ang Haru, sumunod ang Aki at ang panghuli ay Natsu. Sa Ikalawang baitang naman ay nanalo ang Hana, sinundan ng Kinomi at Konoha. Sa pangatlong baitang naman nanalo ang Kawa, sunod ang Yama at ang Mori. Kahit maliliit pa lang sila, kayang kaya na nila makilahok sa mga paligsahan katulad nito. Nanalo sa ika-apat na baitang ang Ginga, sumunod ang Taiyou at Tsuki. Sa ika-limang baitang naman ay nanalo ang Kaze, sumunod ang Mizu, Hikari at Honoo. Hindi-hindi nagpatalo ang ika-anim na baitang. Nanguna sa paligsahan ang seksyon Umi, sumunod ang Daichi at Sora.

Hindi lang doon natatapos ang paligsahan. Nanalo sa ika-pitong baitang sa Konsepto ang Yume, sinundan ng Kibou, sumunod ang Megumi, Yorokobi at Shinbou. Sa Table Setting naman nanguna ang Yorokobi, sumunod ang Kibou, sinundan ng Yume, Megumi at Shinbou. Nanalo naman sa Table Setting sa ika-walong baitang ang seksyon Youjuu, sinundan ng Kenkyo, Shinrai, Koufuku at Magokoro. Sa Food Display at Exhibit naman nanalo ang Magokoro, sumunod ang Koufuku, Youjuu, Shinrai at Kenkyo. Sa ika-siyam na baitang naman, nanalo sa Table Setting ang seksyon Ishi, sumunod ang Ai, Yuuki, at Chie. Nanalo naman sa Food Display ang Yuuki, sumunod ang Ishi, Chie at Ai. Sa Food Exhibit naman nanalo ang Ishi, sinundan ng Chie, Ai at Yuuki. Sa ika-sampung baitang naman ay di nagpahuli sa pagpapaganda ng kanilang silid-aralan. Nanalo sa Food Exhibit/Display at sa Table Setting ang Shinri, sumunod ang Jiyuu, Seigi at panghuli ang Heiwa.
Natapos ang kulminasyon sa pagpaaalala na kina-kailangan ng tamang nutrisyon at ehersisyo nang sa gayon ay maging malusog ang katawan. (G)(ni Patricia Bitana)

 

11214377_10207340582262808_3273367968080600920_n

11745438_10207214288945554_6017049913187689581_n11822619_1621409994815294_7214424255362057622_n

2 thoughts on “Buwan ng Nutrisyon”

Leave a Reply